MAHALAGANG ANUNSYO #3
11th Multi-Agency Service Mission (MASM)
Paglahok ng Pag-ibig at DBP
Miyembro ka na ba ng Pag-IBIG Fund? Gusto mo bang mag-loan para makapagpatayo ka ng bahay sa Pilipinas? Nais mo bang magbukas ng ATM savings account sa Development Bank of the Philippines na walang maintaining balance at kung saan pwede kang mag-remit sa Pilipinas mula sa Cambodia? Halina kayo at dumalo sa darating na Multi-agency Service Mission (MASM)!
Ang mga kinatawan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Social Security System (SSS) at Commission on Filipinos Overseas (CFO) ay makikilahok sa MASM na gaganapin sa ika 2-3 Nobyembre 2019 (Sabado at Linggo), 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa Multi-Purpose Hall ng Embahada.
Sa tulong ng kinatawan ng Home Development Mutual Fund (o mas kilalang Pag-IBIG Fund), maaaring mag-apply na maging miyembro ng Pag-IBIG Fund, i-reactivate ang membership, mag-verify or mag-issue ng Pag-IBIG Numbers, mag-issue ng members’ records, magtanong tungkol sa Housing Loan at Multi-Purpose Loan Program, at mag-enroll sa Modified Pag-IBIG II (MP2).
Samantala ang opisyales ng DBP ay tatanggap ng applications para magbukas ng ATM savings account para sa mga Pilipino, na pwedeng gamiting remittance service.
Ang iba pang mga serbisyo na maaaring sa MASM ay:
- Overseas Employment Certificate (OEC) processing/renewal para sa mga nakapag-rehistro na sa POEA sa Pilipinas o para sa mga Pilipinong lumipat lamang ng employer o bansa na pinagtatrabahuhan;
- OWWA membership;
- PhilHealth membership;
- SSS membership;
- Consultations with the Commission on Filipinos Overseas (CFO); and
- Embassy consular services: passport renewal, notarization/legalization, civil registry, Embassy ID.
Maari lamang pong tignan ang listahan ng mga dokumentong kailangang dalhin para sa bawat serbisyo at transaksyon. Kinakailangan din ng mag-set ng online appointment para sa Acknowledgment of Contracts/OEC Issuance sa https://philippineembassyphnompenh.setmore.com/.
Maaari din ninyong bisitahin ang official website ng Embahada (www.phnompenhpe.dfa.gov.ph) para sa buong talaan ng dokumento na kailangang dalhin at ang halaga ng bawat serbisyo/transaksyon.
Magkita-kita po tayo sa darating na MASM!
16 Oktubre 2019, Phnom Penh