Miyembro ka na ba ng PhilHealth at SSS? Gusto mo bang malaman ang mga programa ng CFO para sa overseas Filipinos? Halina kayo at dumalo sa darating na Multi-agency Service Mission (MASM)!
Ang mga kinatawan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Social Security System (SSS) at Commission on Filipinos Overseas (CFO) ay makikilahok sa MASM na gaganapin sa ika 2-3 Nobyembre 2019 (Sabado at Linggo), 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa Multi-Purpose Hall ng Embahada.
Ang mga kinatawan ng PhilHealth ay tutulong sa mga nais maging miyembro ng PhilHealth, iwasto o i-update ang impormasyon ng isang miyembro ng PhilHealth, at tumanggap ng claim documents for confinement abroad.
Ang kinatawan naman ng CFO ay maaaring konsultahin tungkol sa kanilang mga programa para sa overseas Filipinos tulad ng Lingkod sa Kapwa Pilipino o LINKAPIL at BaLinkBayan portal.
Ang iba pang mga serbisyo na maaaring makuha sa mga araw na iyon ay OEC processing, OWWA Membership, passport renewal, passport extension, Embassy ID, notarial and civil registry services.
Maari lamang pong tignan ang listahan ng mga dokumentong kailangang dalhin para sa bawat serbisyo at transaksyon. Kinakailangan din ng mag-set ng online appointment para sa Acknowledgment of Contracts/OEC Issuance sa https://philippineembassyphnompenh.setmore.com/.
Tingnan lamang ang listahan ng mga dokumentong kailangang dalhin para sa bawat serbisyo at transaksyon.
Maaari din ninyong bisitahin ang official website ng Embahada (www.phnompenhpe.dfa.gov.ph) para sa buong talaan ng dokumento na kailangang dalhin at ang halaga ng bawat serbisyo/transaksyon.
Magkita-kita po tayo sa darating na MASM!
10 Oktubre 2019, Phnom Penh