MAHALAGANG PAANYAYA
Bilang pag-gunita sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW), ang Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh ay magsasagawa ng isang film showing ng isang pelikulang pinamagatang "Bagahe."
Sa direksyon ni Zig Dulay, ang Bagahe ay tungkol sa buhay ni Mercy, isang OFW na pinag-hinalaang nag-iwan ng isang bagong panganak na sanggol na natagpuan sa basurahan ng palikuran ng isang eroplano.
Ang film showing ay susundan ng isang talakayan tungkol sa Violence Against Women - kung paano ito matutuklasan at mapipigilan, pati na rin ang mga serbisyo na maaaring makatulong sa mga biktima. Ang talakayan ay papatnubayan ni Dr. Vic Salas, isang independent consultant sa mga isyu na may kaugnayan sa pampublikong kalusugan at pag-unlad, HIV / AIDS, at karahasan batay sa kasarian.
Ang film showing ay ihahatid sa publiko ng libre mula sa suporta at pagtulong ng Film Development Council of the Philippines.
Ang pelikula ay ipapalabas sa orihinal na bersyon, at may subtitle sa wikang Ingles.
Kailan : 7 Disyembre 2018 (Biyernes)
Registration at Meryenda : 6:30 – 7:00 ng gabi
Palabas ng Pelikula : 7:00-8:35 ng gabi
Talakayan : 8:35-9:00 ng gabi
Saan : Multi-purpose Hall ng Embahada
#182 Norodom Boulevard, Sangkat Tonle Bassac, Khan
Chamkarmon, Phnom Penh
Maari pong magregister sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Sa Facebook event para sa kaganapang ito
• Sa Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.;
• Sa Viber: +855-93728520