MENU

 

overseas voting infographics

NAKA-REHISTRO KA NA BA PARA SA 2019 ELECTIONS?

MALAPIT NA ANG DEADLINE PARA SA

OVERSEAS VOTER REGISTRATION (30 SEPTEMBER 2018)

Kabayan,

Ina-anyayahan po namin kayo na makilahok sa ating National Elections sa darating na ika-13 ng Mayo 2019. Magagawa mo ito kapag ikaw ay naka-rehistro para sa Overseas Voter Registration and Certification na magtatapos na ngayong ika-30 ng Septembre 2018.

"All citizens of the Philippines, who are abroad or will be abroad during the thirty (30) day voting period, at least eighteen (18) years of age on the day of the elections and not otherwise disqualified by law, may register" (Sec. 6, COMELEC Resolution 10167).

Maaari po kayong pumunta sa Consular Section ng ating Embahada at i-presenta ang inyong Philippine passport upang magpa-rehistro.

Huwag nang pahuhuli pa at gampanan ang ating karapatan na pumili ng mga mamumuno sa ating Inang Bayan!