MENU

ISANG PA-ANYAYA

    POST-ARRIVAL ORIENTATION BRIEFING

 

Kabayan,

 

Ikaw ba ay bagong dating sa Cambodia at maraming katanungan kung ano ang mga kailangan mong malaman at gawin upang mapa-inam ang iyong pamamalagi sa bansang ito? Gusto mo bang makapulot ng mga kaalaman sa mga kababayan nating matagal nang naninirahan sa Cambodia upang mapadali ang pag-adjust sa bago mong kapaligiran?

 

Kapihan sa Pasuguan Final

 

Halina at dumalo sa susunod na edisyon ng "Kapihan sa Pasuguan" na gaganapin sa ika-9 ng Setyembre, ika-2:00 ng hapon, sa Multi-purpose Hall ng ating Embahada. Ang ating mga resource persons ay mga kapwa Filipino na matagal ng naninirahan sa Cambodia at galing sa iba’t ibang sektor na siyang magbibigay kasagutan sa inyong mga tanong upang mapa-inam ang inyong pamamalagi sa Cambodia. Maliban dito, ang Embahada ay magbabahagi din ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa inyong seguridad, ang mga Do's and Dont's sa bansang ito, at ang mga iba’t ibang serbisyo na ipinapa-abot ng Embahada sa ating mga kababayan sa Cambodia.

 

Tara na, magkita-kita po tayo sa ating Kapihan sa Pasuguan.