Malugod pong ina-anyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh ang lahat ng ating mga kababayang Filipino sa Cambodia na lumahok sa pag-gunita ng ika-120 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa ika-10 ng Hunyo (Linggo), sa Embahada ng Pilipinas.
Sa ilalim ng temang “Kalayaan 2018 : Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan," ang pagdiriwang natin ay mag-uumpisa sa ganap na ika-7:45 ng umaga, at gagabayan ng susunod na programa:
- Flag-raising ceremony
- Pagbasa ng mga Mensahe
- Maikling pagganap ng Acts Manila
- Almusal
Ang mga dadalo ay hinihikayat na magsuot ng Filipiniana o Barong Tagalog.
Maaari po lamang mag-confirm ng inyong pagdalo bago mag ika 07 ng Hunyo 2018, sa mga sumusunod :
Call/Text/Viber: (+855) 098 888 771 o sa
FB event na ginawa para sa okasyang ito