MENU

Ang Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh ay muling nananawagan sa mga Pilipino sa Cambodia na napapa-ilalim sa status na "overstaying" o pumaso na ang visa na samantalahin ang grace period na ipinag-kaloob ng Royal Government ng Cambodia upang makakuha ng "Exit Visa" ng walang multa o immigration penalty/fine. 

Ang special arrangement na ito ay naaangkop sa mga "overstayers" na nais umuwi ng Pilipinas subalit walang sapat na kakayahan upang bayaran ang multa o immigration penalty na karaniwang ipinapataw ng General Department of Immigration (GDI). Ang palugit na ito ay  magtatapos ngayong Lunes, ika-10 ng Hulyo 2017. 

Mula ika-10 Hulyo 2017, magpapatupad ang GDI ng mas istriktong implementasyon ukol sa pagpapataw ng immigration penalties, na sa ngayon ay pumapatak ng US$10.00 kada araw ng overstay at ang posibleng pagkabilanggo.   

Nanawagan kami sa mga kinauukulan na agarang bumisita sa Embahada o tawagan si Mr. Rafael Palencia, Assistance to Nationals Officer,  sa  +855 98888 771 / +855 23-222-303 or 304, para sa karagdagang impormasyon. Ipina-pakiusap din ng Embahada na ipamahagi ang anunsyong ito sa mga lahat ng mga kinauukulang Pilipino, lalo na doon sa walang FB o internet connection.

Dahil sa deadline na itinakda ng GDI, ang pagpapalista sa Embahada ng mga Filipino na gustong makakuha ng exit visa ay magsasara ng sa ganap na alas dose ng tanghali (12 NN) ng Lunes, 10 Hulyo 2017.

07 Hulyo 2017, Phnom Penh