MENU
Ipinapaabot po ng Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh ang mahalagang panawagan sa lahat ng mga filipino sa cambodia na napapa-ilalim sa status na "overstaying" o pumaso na ang visa at kailangang magbayad ng immigration penalty upang makaalis sa Cambodia patungo ng Pilipinas.
 
Batay sa pakikipag-pulong ng mga opisyales ng Embahada sa mga awtoridad ng Royal Government ng Cambodia, bibigyan ang "overstaying" Filipinos ng palugit hanggang ika-10 ng Hulyo, 2017 upang makakuha ng "Exit Visa" mula sa General Department of Immigration (GDI) na walang ipapataw na immigration fine o penalty. Ang special arrangement na ito ay naaangkop sa mga "overstayers" na nais ng umuwi ng Pilipinas subalit walang sapat na kakayahan upang bayaran ang immigration penalty.
 
Kapag hindi maayos ng isang "overstayer" ang exit visa pagkalipas ng ika-10 ng Hulyo 2017, mas istriktong ipapatupad ng General Department of Immigration (GDI) ang pagpapataw ng immigration penalties, na sa ngayon ay pumapatak ng US$10.00 kada araw ng overstay. 
  
Nanawagan kami sa mga kinauukulan na agarang bumisita sa Embahada o tawagan si Mr. Rafael Palencia, Assistance to Nationals Officer,  sa  +855 98888 771 / +855 23-222-303 or 304, para sa karagdagang impormasyon. Ipina-pakiusap din ng Embahada na ipamahagi ang anunsyong ito sa mga lahat ng mga kinauukulang Pilipino, lalo na doon sa walang FB o internet connection.
 
Phnom Penh, 27 June 2017.tfb