Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Phnom Penh ay malugod na inaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayang Filipino sa Cambodia upang makiisa sa pag-gunita ng ika-119 na anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa darating na Linggo, ika-11 ng Hunyo sa Embahada (No. 182 Preah Norodom Blvd., Sangkat Tonle Bassac, Khan Chamkarmon, Phnom Penh).
Sa ilalim ng temang “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-samang Balikatin" ang ating pagdiriwang ay mag-uumpisa sa ganap na ika-8:00 ng umaga.
- Pagtaas ng Bandila (flag-raising ceremony)
- Maikling programa kasama si Prof. Ramon Acoymo ng UP College of Music
- Munting Salo-salo (almusal)
Maaari po lamang mag-confirm ng inyong pagdalo:
Tumawag/text/viber sa: (+855) 098 888 771
31 May 2017