MENU

Ang Embahada ng Republika ng Pilipinas ay muling nagpapa-alala sa mga kababayang Filipino sa Cambodia ukol sa ika-anim na Multi-Agency Service Mission na gaganapin sa

Kailan:          5-6 ng Nobyembre 2016 (Sabado at Linggo),
Oras:             8:30 a.m. -  5:30 p.m.
Saan:             Multi-Purpose Hall ng Embahada
                       No. 182 Norodom Boulevard, Sangkat Tonle Bassac,
                       Chamcarmorn, Phnom Penh
 

Isa sa mga ahensya ng pamahalaan na dadalo sa ika-anim na MASM ay ang Commission on Filipinos Overseas (CFO).  Ang CFO ay naatasan ng ating pamahalaan na pangalagaan at pagtibayin ang kapakanan ng mga overseas at migranteng Filipino. Sa MASM, ang mga kinatawan ng CFO ay maglalahad ng kanilang mga programa at serbisyo katulad ng pagbibigay ng mga Pre-Departure Orientation Seminars at counselling, programa ukol sa Community Education at Financial Literacy, ang BaLinkBayan Portal - isang programa ng CFO na tumutulong sa mga OFW sa pagtatag ng sariling negosyo at tumulong sa kanilang kapwa OFW sa pamamagitan ng kanilang mga talento at kakayahan, magpaabot ng mga donasyon para sa mga kababayan na nangangailangan at iba pang mga serbisyo.

Ang Filipino community ay hinihikayat na samantalahin ang ganitong pagkakataon upang malaman ang mga benepisyo na maaring makamtan sa mga programa ng CFO.

Bukod sa CFO, maari din makakuha ng serbisyo mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan na dadalo sa MASM katulad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Social Security System (SSS) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Para sa anumang katanungan o karagdagang impormasyon, maari kayong makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa mga sumusunod:

Telepono: 023-222304, 098-888529
Facebook: Philippine Embassy Cambodia 
E-mail: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. , This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.