Balak mo bang umuwi sa Pilipinas ngayong Water Festival ngunit gipit ang oras sa Pilipinas upang kumaha ng OEC? Huwag mag-alala.
Ang Embahada ng Pilipinas sa Cambodia ay muling ini-imbitahan ang lahat ng mga Pinoy sa Cambodia sa idaraos na ika-anim na edisyon ng Multi-agency Service Mission (MASM) kung saan ang mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay dadalo upang mag-issue ng Overseas Employment Certificate (OEC).
Ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Social Security System (SSS), Commission on Filipinos Overseas (CFO), at ng Development Bank of the Philippines (DBP) ay dadalo din upang mag-abot ng on-site services at talakayin ang kanilang mga serbisyo at produkto.
Ang Embassy ay bukas din para sa passport renewal, passport extension, Embassy ID, notarial and civil registry services.
Ang ika-6 na MASM ay gaganapin sa 5-6 November 2016, 8:30 am - 5:30 p.m., sa Multi-Purpose Hall ng Embahada ng Pilipinas, 182 Norodom Boulevard, Sangkat Tonle Bassac, Khan Chamkarmorn, Phnom Penh.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga requirements and fees, maaaring puntahan ang opisyal na website ng Embahada www.phnompenhpe.dfa.gov.ph o tumawag sa numero bilang 023 222 303, 023 222 304, o email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. and This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.