Magkakaroon ng libreng bus service sa Borey 1 ngayong ika-1 May 2016 (LINGGO) para sa lahat ng mga REHISTRADO NA OVERSEAS VOTER na kasalukuyang naninirahan sa BOREY at nais makaboto sa ginaganap na Halalan 2016 sa ating Embahada.
Para masigurong ikaw ay rehistrado bilang overseas voter dito sa Cambodia, bisitahin lamang ang link na ito:
Hinihikayat po namin ang mga kababayan natin sa Borey na makilahok sa pagpili ng ating mga pinuno ngayong Halalan 2016!
ANONG ORAS AALIS ANG BUS SA BOREI?
8:30 a.m. - Borey - Embassy - Borey
11:00 p.m. - Borey - Embassy - Borey
3:30 p.m. - Borey - Embassy - Borey
SAAN MAGHIHINTAY ANG BUS?
Borey 1, Street 22, House No. 7
Phnom Penh
Ang mga interesadong mag-avail nitong libreng hatid-sundo, maaari pong kontakin ang isa sa mga focal points upang masiguro na kayo ay makaka-boto at sapat ang upuan sa bus.
FOCAL POINTS:
Mr. Jimmy Victoria, SAMAPI President - 012 817 623
Mr. Bogart Sanchez, SAMAPI Officer - 077 657 175
Mr. Freddie Ta-a, Philippine Embassy Attaché - 023 222 303, 077 473 624
ANO ANG DADALHIN:
Valid ID na may picture at pirma ng botante.
Maaari ito maging Voter's ID, valid passport, company ID, Embassy ID, at iba pa.