Mula ng mag-umpisa ang Overseas Voting noong ika-9 ng Abril 2016 hanggang sa kasalukuyan, mahigit 580 na ang mga naka-boto para sa Halalan 2016.
Ang numerong ito ay kumakatawan sa 31.31% pa lamang sa kabuoang bilang na 1,834 na nakatala bilang registered overseas voters dito sa Cambodia.
Hinihikayat po namin ang lahat na mga rehistradong botante para sa Overseas Voting na huwag ng maghintay at magpahuli.
Para sa mga naka-boto na, sana ay maipa-abot niyo sa inyong mga pamilya at kakilala dito sa Cambodia na gampanan ang kanilang karapatan para sa pagpili ng ating mga pinuno ngayong Halalan 2016.
Ang atin pong Embahada ay bukas para sa mga nais bumoto mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, at mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon, Sabado at Linggo.
Halika na kayo at makilahok sa pagpili ng susunod na Presidente, Bise Presidente, labin-dalawang Senador at isang Party-List Representative.
Ang mga registered overseas voters ay kailangang magdala ng valid photo ID o pasaporte.