
Ang Pasuguan ng Republika ng Pilipinas ay inaanyayahan ang mga Pilipino na kasama sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) Cambodia na makilahok sa pre-enrollment at field voting sa Borey Piphup Thmey nitong Huwebes, ika-1 ng Mayo 2025, mula 12:00 ng hapon hanggang 08:00 ng gabi sa Philippine International School of Phnom Penh - Borey Campus, 91 Street 17 Trapeang Thleung 4 Village Sangkat Cham Chao, Phnom Penh.
Ang mga tauhan ng Pasuguan ay handang magbigay-gabay sa pre-enrollment at voting gamit ang online portal ng COMELEC.
Ang mga rehistradong botante na nais magpagabay sa pagpre-enroll at pagboto ay maaaring kumuha ng appointment ang gamit ang https://bit.ly/OVBorey or QR Code na ito:

Ang mga walk-in clients ay tatanggapin rin ng Pasuguan.
Pinapaalala ng Pasuguan ang lahat ng mga botante na ang pre-enrollment ay hanggang ika-7 ng Mayo 2025, at ang online voting ay hanggang ika-6:00 lamang ng gabi sa ika-12 ng Mayo 2025.
Mangyari pong ating sundan ang Embassy Facebook page sa https://www.facebook.com/PHLinCambodia/ at official website sa www.phnompenhpe.dfa.gov.ph para sa mga kaukulang anunsyo.
Tayo po ay makilahok sa halalan para sa ating bayan!
Phnom Penh, 25 Abril 2025