Ang Pasuguan ng Republika ng Pilipinas ay inaanyayahan ang mga Pilipino na kasama sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) Cambodia na makilahok sa pre-enrollment at field voting sa Kandal nitong Martes, ika-22 ng Abril 2025, mula 12:00 n.t. hanggang 08:00 n.g. sa Sethy Boutique Hotel, 298 Street No. 201, Ta Khmau, Kandal.
Ang mga tauhan ng Pasuguan ay handang magbigay-gabay sa pre-enrollment at voting gamit ang online portal ng COMELEC.
Ang mga rehistradong botante na nais magpagabay ay maaaring ipagbigay-alam ang kanilang pagdalo gamit ang https://bit.ly/OVKandal o QR Code na ito:

Pagsisilbihan gayunpaman ang lahat na darating sa outreach mission ng Pasuguan.
Pinapaalala ng Pasuguan na ang pre-enrollment ay hanggang ika-7 ng Mayo 2025 lamang. Ang pag-boto online naman ay magsasara ng ika-6:00 n.g. sa ika-12 ng Mayo 2025.
Mangyari pong ating sundan ang Embassy Facebook page sa https://www.facebook.com/PHLinCambodia/ at official website sa www.phnompenhpe.dfa.gov.ph para sa mga kaukulang anunsyo.
Makilahok po tayo sa ating halalan bilang mapagmalasakit na mamamayang Pilipino. Mabuhay po ang ating bayan!
Phnom Penh, 16 Abril 2025