ANUNSYO PARA SA MGA PILIPINO SA CAMBODIA
IMBITASYON SA PAGTITIPON KASAMA ANG PANGULO
13 NOBYEMBRE 2022, PHNOM PENH
Nais ipaalam ng Pasuguan ng Pilipinas sa Cambodia na bibisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Cambodia para dumalo sa “40th and 41st ASEAN Summits and Related Summits” mula ika-10 ng Nobyembre hanggang ika-13 ng Nobyembre 2022 sa Phnom Penh.
Kaugnay nito, naghahanda ang Pasuguan ng Pilipinas sa Cambodia ng isang pagtitipon na dadaluhan ng Pangulo at mga Pilipino sa Cambodia sa ika-13 ng Nobyembre 2022.
Inaanyayahan ang mga nagnanais na lumahok na magpatala sa Google Form link hanggang ika-4 ng Nobyembre 2022:
https://forms.gle/XGSLoYwP3os46E5C6
Ipinapaala na ang pagpapalista ay hindi nangangahulugan na makakasama sa pagtitipon. Ang bilang ng dadalo ay lilimitahan para sa kaligtasan ng mga dadalo. Tanging ang mga fully-vaccinated lamang ang maaaring papasukin.
Ang ibang detalye ng pagtitipon ay iaanunsyo sa mga kumpirmadong dadalo sa pamamagitan ng email.
Sa mga hindi makakadalo, ang pagtitipon ay masasaksihan sa Facebook page ng RTVM at Pasuguan ng Pilipinas.
Ika-1 ng Nobyembre 2022, Phnom Penh