PAMPUBLIKONG ADVISORY
MEKANISMO PARA SA BOLUNTARYONG BAKUNA SA COVID-19
PARA SA MGA DAYUHAN SA CAMBODIA
Ang Inter-Ministerial Committee to Fight COVID-19 ay nagbigay ng anusyo kagabi tungkol sa mekanismo ng paghiling sa boluntaryong pagbabakuna sa COVID-19 para sa mga dayuhan na naninirahan at nagtatrabaho sa Cambodia:
Kategorya/ Uri |
Ahensya na may hawak dito |
Dokumentong kailangan |
Kailan at saan matatanggap ang bakuna |
A
Dayuhan na may Visa E at Work Permit mula sa Kagawaran ng Paggawa at Bokasyonal na Pagsasanay/ Ministry of Labour and Vocational Training (MLVT), kasama ang mamumuhunan (investors), negosyante (business persons), manggagawang may kakayahan (skilled workers), manlilikha (artists), medical practitioners, guro, sports practitioners, tagapayo (advisors), eksperto, atbp. |
Ministry of Labour and Vocational Training (MLVT)
Telegram @employeevaccination_bot a. G. Leang Sopheak 016 766 877 b. Bb. Chea Sophea 098 411 723 c. Bb. Lim Ratanakleaphea 071 719 0808 Paalala: Ang mga empleyadong gustong magpabakuna ay dapat magpatala sa kanilang kumpanya/ organisasyon na siyang makikipagugnayan sa MLVT. Sa itaas ay ang detalye kung saan makikipag ugnayan sa MLVT. |
1. Valid Passport 2. Valid Visa E 3. Valid Work Permit mula sa MLVT |
Kasabay ng mga opisyal at manggagawang Cambodian at gaganapin sa mga kagawaran, institusyon, pabrika, kumpanya o sa isang angkop na lokasyon alinsunod sa programa ng Kagawaran ng Pangkalusugan |
B
Ibang dayuhan na hindi kasama sa itaas na kategorya: Khmer na may foreign passport at may Visa K; dayuhan na kasal sa Khmer; dayuhang nagretiro, dayuhan na mayroong legal long-term residence, atbp. |
Lokal na awtoridad/ahensya sa bawat lungsod at probinsya sa Cambodia
|
1. Valid Passport 2. Valid Visa |
Kasabay ng ibang mga mamamayang Khmer sa isang angkop na lokasyon alinsunod sa programa ng Kagawaran ng Pangkalusugan |
Maaaring tingnan ang kopya ng anunsyo sa https://www.facebook.com/MinistryofHealthofCambodia/photos/pcb.3922586131113797/3922585447780532/ .
Patuloy ang Pasuguan sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, Pangkalusugan, at Paggawa tungkol sa mga proseso ng pagkuha ng bakuna para sa Pilipino sa Cambodia. Magbibigay ng anunsyo ang Pasuguan kapag mayroong impormasyon pang makukuha tungkol sa programang ito ng pamahalaan ng Cambodia.
Para sa mga sumagot ng “Database ng mga Pilipino sa Cambodia,” ipinadala ng Pasuguan ang listahan (kasama ang buong pangalan, edad, passport number, trabaho at tirahan sa Cambodia) ng mga Pilipinong interesadong mabakunahan sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (MFAIC) alinsunod sa kanilang unang tagubilin sa mga pasuguan sa Cambodia.
Ika-9 ng Abril 2021, Phnom Penh