MENU
           Ipinapaalam po ng Embahada ng Pilipinas sa Filipino community sa Cambodia na ito ay nakatanggap ng mga ulat  ukol sa mga kababayan na nagiging biktima ng krimen tulad ng pagnanakaw at panghahablot. Maayos at tahimik ang Cambodia sa pangkalahatan, subalit hindi maiiwasan na mayroong mga indibidwal o grupo na kriminal na ang pangunahing binibiktima ay mga dayuhang kadalasan ay nasa bandang Riverside at Boeung Keng Kang.
 
            Ang Embahada po ay muling pinapaalalahanan ang lahat ng kababayan natin dito na mag-ingat at maging mapagmasid, lalo na habang nakasakay sa motorsiko o tuktuk at kung may transaksyon sa bangko tulad ng ATM withdrawal, upang maiwasang maging biktima ng mga tao o grupo na may kaugnayan sa ganitong masamang gawain.
 
            Protektahan ang inyong sarili at mga kagamitan at tandaan ang mga ito:
 
  • Hanggang sa maaari, iwasang magdala ng mga mamahalin o mahalagang bagay tulad ng mga laptop, tablet, etc. ;
  • Kung may dalang bag, siguraduhing ito ay nasa harap ninyo at malayo sa kalsada upang hindi mahablot ng mga magnanakaw na sakay ng motorsiklo;
  • Huwag maglagay ng bag sa basket sa harap ng mga bisikleta;
  • Maging mapagmasid kapag ikaw ay naglalakbay sa gabi sa pamamagitan ng bisikleta o motorsiklo, lalo na kung ikaw ay nag-iisa;
  • Kung maaari, dumaan lamang sa mga maliliwanag na lugar at iwasan ang mga  liblib na lugar;
  • Maging maingat sa mga mandurukot, lalo na sa pampublikong sasakyan at sa masisikip na lugar;
  • Kung ang iyong paglalakbay ay sa pamamagitan ng bus, siguraduhing ang pera at mga mahahalagang bagay ay nakatago at naka-secure. May mga pasahero na nananakawan habang natutulog sa bus.
  • Sikapin na sumakay sa mga tuk-tuk na may metal grills sa likod at gilid bilang proteksyon laban sa panghahablot ng bag.
Ang emergency lines sa Cambodia ay:
117 para sa pulis,
118 para sa sunog, at
119 para sa medical emergency.
 
Kung kailangan ninyo mag-report ng isang krimen sa Phnom Penh, maaaring pumunta sa Central Security Office sa  Number 13, Street 158, malapit sa Wat Koh.
 
Sa Siem Reap, ang Tourist Police office ay katabi ng ticketing booth ng Angkor Wat.
 

             Phnom Penh, 13 February 2017