MENU

Ipinapaabot ng Embahada ng Pilipinas sa ating mga kababayan sa Cambodia na sang-ayon sa Memorandum Order No. 79-90 or The Revised Rules and Regulations Governing the Entry of Non-Commercial Inbound Consolidation Shipments from Filipinos Abroad at sa Customs practices and procedures, lahat ng mga cargo na dumarating sa Pilipinas ay kinakailangang maayos at kumpleto ang dokumentasyon mula sa local consolidator o courier na siya namang isu-sumite sa Bureau of Customs (BOC). Matapos matanggap ng BOC ang mga papeles, susuriin ng BOC ang karampatang buwis na ipapataw sa cargo at babayaran ng local consolidator. Ang mga cargo ay ire-release at maaari lamang i-deliver ng local courier sa mga kinauukulan pagkatapos maisakatuparan ang prosesong ito. Subalit minsan, may mga local consolidator na hindi nagbabayad ng tamang buwis, na siyang nagiging dahilan kung bakit hindi mailabas ang mga cargo sa BOC.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng BOC ang patakarang ito upang tingnan kung paano mahahanapan ng paraan para makarating sa lalong madaling panahon ang mga padala ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya  

Hindi lingid sa kaalaman ng BOC na ang mga balikbayan boxes ay pinaghirapan na pag-ipunan at ipadala ng mga OFWs sa kanilang mga mahal sa buhay, kung kaya't pinag-sisikapan nila na maging masinop at maayos ang mga ito habang nasa kanilang pansamantalang pangangalaga.