As part of its information outreach campaign, the Embassy of the Republic of the Philippines in Phnom Penh reminds all Filipino nationals in Cambodia of the importance of faithfully abiding and complying with the immigration laws of Cambodia while staying, working or visiting the country.
A Philippine passport holder who enters Cambodia without a visa can stay in Cambodia for twenty-one (21) days. Beyond this period, he/she will need to apply for an appropriate visa with the General Department of Immigration (GDI). Not applying for a visa after the expiration of the 21-day visa-free stay means that he/she has overstayed.
The overstaying penalty is USD6.00 a day for the first 30 days and USD5.00 a day thereafter.
In view of this, the Embassy advises all Filipinos to be aware of the expiry date of their visa to avoid payment of immigration penalties to keep the positive image of Filipinos as law-abiding people in this country.
TAGALOG:
Sang-ayon sa mithiin ng Embahada na makapag-abot ng mga mahahalagang impormasyon para sa kapakanan ng mga Pilipinong naninirahan sa Cambodia, amin pong ipinapaalala sa lahat ng ating mga kababayan na sumunod sa alituntunin ng Pamahalaan ng Cambodia tungkol sa pag-bisita, pag-trabaho at pamamalagi sa bansang ito.
Ang isang Philippine passport holder na maglalakbay at papasok sa Cambodia na hindi nagtataglay ng visa ay maaaring mamalagi sa bansang ito hanggang sa dalawampu't isang araw (21 days) lamang. Kung ang kanyang pamamalagi ay lumampas ng 21 days, kailangan niyang mag-apply ng karampatang visa sa General Department of Immigration (GDI). Ang sinumang patuloy na namamalagi sa Cambodia pagkatapos ng dalawampu't isang araw (21 days) na walang visa ay nangangahulugan na siya ay isang overstayer at maaaring patawan ng kaukulang multa ng GDI.
Ang multa para sa overstaying ay USD6.00 kada araw para sa unang tatlumpong (30) araw at USD5.00 kada araw kapag lumampas nito.
Ang Embahada ay hinihikayat ang lahat ng Filipino sa Cambodia na maging mapag-matyag sa expiry date ng kanilang bisa upang maiwasan na mapatawan ng mga immigration penalties at upang mapangalagaan ang positibong imahen ng mga Filipinos bilang mga "law-abiding people" sa bansang ito.