MAHALAGANG ANUNSYO #4

 

11th Multi-Agency Service Mission (MASM)

Paglahok ng NBI at PSA

 

Mayroon ka bang katanungan tungkol sa iyong birth certificate o marriage certificate? Ikaw ba ay nangangailan ng bagong NBI Clearance? Halina kayo at dumalo sa darating na Multi-agency Service Mission (MASM)!

 

Ang Philippine Statistics Authority (o PSA, na dating kilalang NSO) at ang National Bureau of Investigation (NBI) ay magpapadala ng mga opisyales sa darating na MASM na gaganapin sa ika 2-3 Nobyembre 2019 (Sabado at Linggo), 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa Multi-Purpose Hall ng Embahada.

 

Ang kinatawan ng PSA ay maaaring magbigay linaw sa inyong mga katanungan tungkol sa birth certificates at marriage certificates. Samantala, ang representante ng National Bureau of Investigation (NBI) ay handang tumulong upang ma-process ang inyong NBI Clearance.

 

Ang iba pang mga serbisyo na maaaring sakuha sa MASM ay:

  • Overseas Employment Certificate (OEC) processing/renewal para sa mga nakapag-rehistro na sa POEA sa Pilipinas o para sa mga Pilipinong lumipat lamang ng employer o bansa na pinagtatrabahuhan;
  • OWWA membership;
  • PhilHealth membership;
  • SSS membership;
  • Pag-ibig membership, Housing Loan and Multi-Purpose Loan, and Modified Pag-IBIG II (MP2) enrollment;
  • Opening ng DBP ATM Savings Account;
  • Konsultasyon tungkol sa mga proyekto ng Commission on Filipinos Overseas (CFO); and
  • Embassy consular services: passport renewal, notarization/legalization, civil registry, Embassy ID.

 

Maari lamang pong tignan ang listahan ng mga dokumentong kailangang dalhin para sa bawat serbisyo at transaksyon. Kinakailangan din ng mag-set ng online appointment para sa Acknowledgment of Contracts/OEC Issuance sa https://philippineembassyphnompenh.setmore.com/.

 

Maaari din ninyong bisitahin ang official website ng Embahada (www.phnompenhpe.dfa.gov.ph) para sa buong talaan ng dokumento na kailangang dalhin at ang halaga ng bawat serbisyo/transaksyon.

 

Magkita-kita po tayo sa darating na MASM!

 

25 Oktubre 2019, Phnom Penh

 

11th MASM flyer 4 Page 111th MASM flyer 4 Page 211th MASM flyer 4 Page 311th MASM flyer 4 Page 411th MASM flyer 4 Page 511th MASM flyer 4 Page 6