Kalayaan 2017 Facebook Cover Photo copy

Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Phnom Penh ay malugod na inaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayang Filipino sa Cambodia upang makiisa sa pag-gunita ng ika-119 na anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa darating na Linggo, ika-11 ng Hunyo sa Embahada (No. 182 Preah Norodom Blvd., Sangkat Tonle Bassac, Khan Chamkarmon, Phnom Penh). 

Sa ilalim ng temang “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-samang  Balikatin"  ang ating pagdiriwang ay mag-uumpisa sa ganap na ika-8:00 ng umaga.

  • Pagtaas ng Bandila (flag-raising ceremony)
  • Maikling programa kasama si Prof. Ramon Acoymo ng UP College of Music
  • Munting Salo-salo (almusal)

Maaari po lamang mag-confirm ng inyong pagdalo:

Tumawag/text/viber sa: (+855) 098 888 771

31 May 2017